Masamang Pamamalakad ng mga Fraile: Tunay ba tayong naging malaya dito?

Sa tatlong daang taon na pananatili ng mapagmalabis nating mananakop ay hindi natin maikakaila na isa sa tumatak sa ating mga isipan ay ang naging pamamaraan ng pamamalakad ng mga relihiyosong manlilinlang. Sakim, matakaw, mapagmalabis, at mapagmataas ay ilan lamang sa mga nakakabit na mga panlarawan sa mga nagdiDiyosdiyosang mga taong ito. Ginagamit nila ang pusisyong ipinagkaloob sa kanila upang lalo pang matugunan ang labis-labis nilang mga pansariling kagustuhan.

Oo. Marahil mahigit isang daang taon na ang nakalipas nang nakamit natin ang ating “independence” sa mga prayleng ito, ngunit tunay ba tayong naging malaya sa kasamaan ng pamamalakad na ito?

Tingnan niyo ang mga taong nasa kapangyarihan ngayon. Respetado katulad ng mga frayle, matatalino katulad ng mga frayle. Ngunit katulad din ng mga frayle ay sakim, manlilinlang, at mapangabuso. Ang mga pera na dapat mapunta sa mga tunay na nangangailangan ay napapasakamay ng mga mapagmalabis na mga pesteng tao sa pulitiko. Ang mga mayaman ay lalong nagiging mayaman at ang mga dukha ay lalo pang nagiging dukha. Hindi mali ang pagkagusto na maging mayaman. Sino ba naman ang ayaw sa isang maginhawang pamumuhay? Ang mali ay ang paglinlang sa taumbayan at ang pagnakaw sa mga karapatan ng mga taong nasasakupan. Mga pamamalakad na taliwas sa dapat na hangarin. Mga pamamaraan na may mga nakatagong layunin. Mga nagbabalatkayong nga hunyango na ang tunay na nais lamang ay ang matugunan ang kanilang mga kagustuhan. Mga taong alipin sa pera, katanyagan at kapangyarihan.

Maghihintay pa ba tayo sa isang Rizal, Bonifacio, Jaena o del Pilar? Natapos na ang araw ng mga bayaning ito sa ating mundo.

Ipagpapatuloy pa ba natin ang pagbabalewala o  ang pagsabi ng bahala na?

Asan na ang Rizal at Bonifaciong natutulog sa bawat puso’t isipan nating lahat? Ang pagkamabayani at pagkamakabayan. Gisingin natin ito.

Hindi sa kanya o sa kanya magsisimula ang pagbabago. Sa iyo. Sa bawat isa sa atin. Kumilos tayo. Tayo ang magsimula. Tayo ang susi ng pagbabago.

Advertisements

Leave a Reply :))

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s